“SAMOT-SARING HIRAYA: IMAGINATION THROUGH FILIPINO STORIES"
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ang DFA-Office of Public and Cultural Diplomacy (OPCD), sa pakikipag-ugnayan sa Story House Philippines, ay magtatanghal ng online na pagkukuwento na pinamagatang “Samot-Saring Hiraya: Imagination through Filipino Stories” sa ika-22 ng Agosto 2023, Martes, alas dos ng hapon (PHST) na ipapalabas sa mga opisyal na YouTube channel at Facebook page ng DFA.
Isulong natin ang pag-unawa at pagpapahalaga sa oral storytelling, kultura, at sining sa pamamagitan ng mga kwentong bayan ng Filipino. Hikayatin natin ang susunod na henerasyon na tuklasin ang mayaman na pamana ng Pilipinas sa pamamagitan ng nakabibighaning mga salaysay.
Magkita-kita tayo sa ika-22 ng Agosto! END