DIALOGUE WITH LIBYAN AGENCIES ON LABOR, IMMIGRATION, AND SOCIAL SECURITY AND PENSION FUND
PAANYAYA: Inaanyayahan ng Pasuguan ang mga kababayan na nagtatrabaho sa Benghazi, Libya, at mga karatig na lugar na dumalo sa isang diyalogo kasama ang mga piling ahensya sa Libya (paggawa, imigrasyon, at 𝑠𝑜𝑐𝑖𝑎𝑙 𝑠𝑒𝑐𝑢𝑟𝑖𝑡𝑦 at pensyon) sa 𝐢𝐤𝐚-𝟎𝟗 𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟑 (𝐁𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐞𝐬) 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝟐:𝟎𝟎 𝐧.𝐡. 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟓:𝟎𝟎 𝐧.𝐡. sa 𝐉𝐮𝐥𝐢𝐚𝐧𝐚 𝐇𝐨𝐭𝐞𝐥 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐑𝐨𝐨𝐦.
Sa nasabing diyalogo, may pagkakataon ang mga kalahok na makapagtanong at mabigyang linaw tungkol sa mga isyu at alalahanin ng isang manggagawang dayuhan na namumuhay at/ o nagtatrabaho sa bansang Libya.
Maaaring ipadala nang maaga ang inyong mga tanong sa pamamagitan ng Messenger o sa 𝑟𝑒𝑔𝑖𝑠𝑡𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑙𝑖𝑛𝑘 sa ibaba.
Sa mga nais lumahok, mangyaring magrehistro sa https://bit.ly/BenghaziDialogue o tumawag o magtext sa 𝟎𝟗𝟏𝟏𝟕𝟓𝟎𝟏𝟐𝟔 o sa OFWO-B.
Maraming salamat!