FOCUS GROUP DISCUSSION WITH FILIPINO WORKERS IN LIBYA
𝐏𝐀𝐀𝐍𝐘𝐀𝐘𝐀: Inaanyayahan ng Pasuguan ang mga kababayan na nagtatrabaho sa Benghazi, Libya, at mga karatig na lugar sa isang 𝑓𝑜𝑐𝑢𝑠 𝑔𝑟𝑜𝑢𝑝 𝑑𝑖𝑠𝑐𝑢𝑠𝑠𝑖𝑜𝑛 sa 𝐢𝐤𝐚-𝟏𝟐 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟑 (𝐁𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐞𝐬) 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝟐:𝟎𝟎 𝐧.𝐡. 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟔:𝟎𝟎 𝐧.𝐠. Abangan sa susunod na linggo ang abiso ng eksaktong venue sa Benghazi.
Ang 𝑓𝑜𝑐𝑢𝑠 𝑔𝑟𝑜𝑢𝑝 𝑑𝑖𝑠𝑐𝑢𝑠𝑠𝑖𝑜𝑛 ay pangungunahan ng 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐌𝐢𝐠𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧.
Sa nasabing aktibidad, ang mga kalahok ay tutulong sa pagbuo ng kaalaman para:
1. mabalangkas ang mga kasanayan at kwalipikasyon kaugnay sa pagpasok sa 𝐿𝑖𝑏𝑦𝑎𝑛 𝑗𝑜𝑏 𝑚𝑎𝑟𝑘𝑒𝑡; at
2. matukoy ang mga serbisyo na tutugma sa mga pangangailangan ng mga manggagawang Pilipino.
Sa mga nais lumahok, mangyaring magrehistro sa https://bit.ly/FGDBenghazi o tumawag o magtext sa 𝟎𝟗𝟏𝟏𝟕𝟓𝟎𝟏𝟐𝟔 o sa OFWO-B.
Maraming salamat! END