MENU

PAANYAYA: PANAWAGAN PARA MAGSUMITE NG ENTRIES PARA SA ARAW NG KALAYAAN

Panawagan para sa araw ng kalayaan 09 June 2023

𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎: Para sa nalalapit na pagdiriwang ng 𝐢𝐤𝐚-𝟏𝟐𝟓 𝐧𝐚 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬, ang Pasuguan ay magpapalabas ng isang oras na 𝑣𝑖𝑟𝑡𝑢𝑎𝑙 𝑝𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚 sa pansamantalang itinakdang petsa na 09 Hunyo 2023 (Biyernes).

Itatampok sa nasabing 𝑣𝑖𝑟𝑡𝑢𝑎𝑙 𝑝𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚 ang mga makakalap namin na 𝑣𝑖𝑑𝑒𝑜 𝑟𝑒𝑐𝑜𝑟𝑑𝑖𝑛𝑔 ng mga pagtatanghal mula sa inyo, ang aming mga kababayan na nasa Algeria, Chad, Libya, Niger, at Tunisia.

Ang inyong isusumiteng 𝑣𝑖𝑑𝑒𝑜 𝑟𝑒𝑐𝑜𝑟𝑑𝑖𝑛𝑔 ay pagtatanghal ng alinman sa mga sumusunod:
- Awit;
- Sayaw;
- Awit at sayaw;
- Tula; o
- Iba pang uri ng performance art

Dapat taglay ng inyong pagtatanghal ang tema ngayong taon na "𝑲𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂𝒂𝒏, 𝑲𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏, 𝑲𝒂𝒔𝒂𝒚𝒔𝒂𝒚𝒂𝒏." Ang 𝑣𝑖𝑑𝑒𝑜 ay dapat kinunan sa isang PAHALANG NA ORYENTASYON (ℎ𝑜𝑟𝑖𝑧𝑜𝑛𝑡𝑎𝑙 𝑜𝑟𝑖𝑒𝑛𝑡𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛). Ito ay hindi dapat lumampas sa APAT NA MINUTO.

Ipadala ang inyong 𝑣𝑖𝑑𝑒𝑜 𝑟𝑒𝑐𝑜𝑟𝑑𝑖𝑛𝑔 sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod:
- Email: 𝘁𝗿𝗶𝗽𝗼𝗹𝗶.𝗽𝗲@𝗱𝗳𝗮.𝗴𝗼𝘃.𝗽𝗵
- Viber: 𝟬𝟵𝟭𝟭𝟳𝟱𝟬𝟭𝟮𝟲
- Messenger: facebook.com/PHinLibya

Ang huling araw ng pagsusumite ng 𝑣𝑖𝑑𝑒𝑜 𝑟𝑒𝑐𝑜𝑟𝑑𝑖𝑛𝑔 ay 𝟐𝟓 𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟑.

Hihinintayin namin ang inyong entries! END