MENU

SETRO RIZAL VIRTUAL MASTERCLASS

1

2

3

𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎: Ngayong 2023, muling mag-aalok ang 𝑆𝑒𝑛𝑡𝑟𝑜 𝑅𝑖𝑧𝑎𝑙 (𝑆𝑅) 𝐹𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑎𝑠 sa tulong ng mga Pasuguan at Konsulado ng 𝐒𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥 𝐕𝐢𝐫𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬 para sa mga Pilipino sa ibayong dagat.
Ang 𝐒𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥 𝐕𝐢𝐫𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬 ay isang 𝑓𝑙𝑎𝑔𝑠ℎ𝑖𝑝 𝑝𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚 ng SR na nag-uugnay sa mga tanyag na artistang Pilipino sa kanilang mga kapwa artista sa ibayong dagat sa pamamagitan ng mga sumusunod na paksa:
1. 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐌𝐮𝐬𝐢𝐜 kasama si Dr. Raul M. Sunico, pyanista
- Inaasahang kalahok: Mga mahilig sa musika, mga tumutugtog ng pyano, at mga guro at mag-aaral ng music history.
2. 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐡𝐨𝐫𝐚𝐥 𝐌𝐮𝐬𝐢𝐜 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠 kasama ang Philippine Madrigal Singers
- Inaasahang kalahok: Mga miyembro ng koro, mga guro ng musika, at mga mahilig sa musika na may karanasan sa pag-awit sa isang koro.
3. 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐅𝐨𝐥𝐤 𝐃𝐚𝐧𝐜𝐞 kasama ang Bayanihan National Folk Dance Company
- Inaasahang kalahok: Mga mananayaw ng katutubong sayaw ng Pilipinas at mga guro at mag-aaral ng sayaw.
Inaanyayahan ang mga kwalipikadong Pilipino sa Libya, Tunisia, Algeria, Chad, at Niger na interesado sa 𝐒𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥 𝐕𝐢𝐫𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬 na sagutin ang maigsing 𝑠𝑢𝑟𝑣𝑒𝑦: https://forms.gle/8YQ778VFwFpev1RZ6.
Ang huling araw ng pagsagot sa 𝑠𝑢𝑟𝑣𝑒𝑦 ay sa 𝐢𝐤𝐚-𝟐𝟗 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟑 (𝐌𝐢𝐲𝐞𝐫𝐤𝐮𝐥𝐞𝐬) 𝐬𝐚 𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝟏𝟏:𝟓𝟗 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢.
Nakasalalay sa resulta ng 𝑠𝑢𝑟𝑣𝑒𝑦 na ito kung alin sa tatlong paksa ang maaaring ipatupad ng Pasuguan sa Libya sa loob ng taong ito.
Maraming salamat, kabayan! END