PAANYAYA: ANO ANG PABORITO MONG AKLAT NA INAKDA NG ISANG PILIPINONG MANUNULAT?
Sa pagdiriwang ng 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 sa Abril 2023, inaanyayahan ang mga kababayan sa Algeria, Chad, Libya, Niger at Tunisia, bata at matanda, na sagutin ang nasabing tanong. Ipadala sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ang iyong larawan kasama ang paboritong aklat kalakip ang maigsing paliwanag na hindi hihigit sa 100 na salita. Ang iyong larawan ay itatampok sa aming 𝐹𝑎𝑐𝑒𝑏𝑜𝑜𝑘 at 𝑇𝑤𝑖𝑡𝑡𝑒𝑟 𝑎𝑐𝑐𝑜𝑢𝑛𝑡𝑠 sa buwan ng Abril!
-----
Alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong ika-10 ng Pebrero 2015 ni Pangulong Benigno Aquino III, ang Buwan ng Panitikang Pilipino ay ipinagdiriwang tuwing Abril ng kada taon. Pinangungunahan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang mga programang kumikilala sa mga gawa ng mga pinagpipitagang manunulat at iskolar ng panitikan ng Pilipinas. END