BABALA ng POEA sa publiko na mag-ingat sa mga taong nag-rerecruit o nangangako ng trabaho sa ibang bansa gamit ang pangalan ng mga POEA-licensed recruitment agency. Kadalasan ay nagpapakilala ang mga ito na konektado sa mga nasabing agency, pero sa katotohanan ay hindi mga empleyado o rehistradong staff.
LAHAT ng mag-rerecruit (mangangako, mag-rerefer, mag-popost o mag-aadvertise) pa-abroad ay kinakailangang authorized ng mga licensed na agency at dapat ay nakalista o kinikilala ng POEA. ILLEGAL ang mga di-rehistradong AGENT o SUB-AGENT.
Kung nag-nanais mag-apply pa-abroad ay direktang makipag-ugnayan sa mismong opisina ng mga POEA-licensed recruitment agency. Maaari ring tumawag o mag-email sa mga recruitment agency na nakalista sa Department of Migrant Workers website (https://www.dmw.gov.ph).