ABISO UKOL SA PANGANIB NG THIRD-COUNTRY RECRUITMENT AT CROSS-COUNTRY EMPLOYMENT PRACTICES
Sa kabila ng umiiral na deployment ban, napansin ng Pasuguan ang pagdami ng mga Pilipino na pumapasok sa Libya sa pamamagitan ng third-country recruitment. Noong nakaraang taon, dumami ang kaso ng mga Pilipino mula sa mga bansa gaya ng UAE, Saudi Arabia, atbp., na humantong sa kapahamakan pagdating sa Libya.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga Pilipino na iwasan ang third-country recruitment (o ang iskema kung saan kinukuha ang manggagawa para magtrabaho sa labas ng bansa na kanilang pagtatabrahuan o kasalukuyang pinagtatrabahuan). Ang iskemang ito ay karaniwang ginagawa ng mga ahensya at/o mga indibidwal na walang naaangkop na lisensya upang mag-recruit at magpadala ng mga manggagawa para magtrabaho sa ibang bansa. Alinsunod sa batas ng Pilipinas, ang iskemang ito ay maituturing na ilegal na gawain.
Nahaharap ang mga Pilipino na gumagamit ng mga ganitong serbisyo sa iba’t ibang uri ng panganib gaya ng paniningil ng labis na recruitment/placement fees, unfair labor practices, at mga huwad na alok na trabaho. END
Kaugnay nito, pinaalalahanan ang mga Pilipino na iwasan ang mga ahensya o mga tao na nag-aalok ng third-country recruitment services. Magdudulot lamang ito ng kapamahakan at pinsala.