CONSULAR EVENT IN MISURATA ON 28 OCTOBER 2022
Ipinapaalam sa lahat ng Filipino sa Misurata na bukod sa pagpupulong sa mga Filipino (onsite sa Misurata, online sa Facebook Live sa ibang bahagi ng Libya), maaari ring magrenew ng passport, registration at kumuha ng Consular ID. Sa mga nagnanais kumuha ng Consular ID, magdala po ng 1x1 ID. Hinihikayat din ang mga Filipino sa Libya na may problema sa trabaho na dumalo sa pagpupulong (onsite man o online) dahil idedetalye ng Pasuguan ang isasagawang pagkuha ng detalyadong impormasyon ukol sa problema sa trabaho (Case Form) bilang paghahanda sa gagawing dialogue ng mga Filipino sa mga kinauukulan. Mangyaring magtulungan sa pagpapakalat ng impormasyon na ito. END