𝐒𝐞𝐫𝐲𝐞 𝐔𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐬-𝐏𝐚𝐠𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐢𝐛𝐲𝐚*
Alam mo ba ang mga batas, alituntunin, at tagubilin na dapat mong sundin kaugnay ng pagganap mo sa trabaho rito sa Libya? Alamin ang buong detalye ng mga probisyon sa ilalim ng Article 11 ng 𝑆𝑖𝑠𝑡𝑒𝑚𝑎 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑔𝑔𝑎𝑤𝑎 𝑎𝑡 𝑇𝑟𝑎𝑏𝑎ℎ𝑜.
*Nagpapatuloy ang Pasuguan sa paglalathala ng 𝑖𝑛𝑓𝑜𝑔𝑟𝑎𝑝ℎ𝑖𝑐𝑠 na nagpapakita ng mga probisyon ng Libyan Labor Law No. 12 ng 2010 na mahalagang malaman ng 𝑜𝑣𝑒𝑟𝑠𝑒𝑎𝑠 𝐹𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑜 𝑤𝑜𝑟𝑘𝑒𝑟𝑠 sa Libya.



----------
𝐋𝐚𝐛𝐨𝐫 𝐋𝐚𝐰 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬*
Do you know the laws, rules, and instructions you must follow in relation to your work performance in Libya? Find out the full details of the provisions under Article 11 of the 𝐿𝑎𝑏𝑜𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝐸𝑚𝑝𝑙𝑜𝑦𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑆𝑦𝑠𝑡𝑒𝑚.
*The Philippine Embassy continues to publish infographics on the provisions of the Libyan Labor Law No. 12 of 2010 that are important for overseas Filipino workers in Libya to know.



PAANYAYA: IFTAR
Inaanyayahan ng Pasuguan ang mga miyembro ng Muslim Filipino community sa Libya sa isang munting salu-salo (𝑖𝑓𝑡𝑎𝑟) bukas, 𝐢𝐤𝐚-𝟔 𝐧𝐠 𝐀𝐛𝐫𝐢𝐥 𝟐𝟎𝟐𝟑 sa Philippine Embassy Chancery sa Janzour.
Magtext lamang sa 0911750126 upang ipabatid ang inyong pagdalo.
Maraming salamat!

PAANYAYA: ANO ANG INVESTMENT? ANO ANG KAILANGAN PARA MAGSIMULA SA ISANG INVESTMENT?
Kung nais mong maintidihan pa nang lubos ang 𝑖𝑛𝑣𝑒𝑠𝑡𝑚𝑒𝑛𝑡, sumali sa ikatlong 𝑣𝑖𝑟𝑡𝑢𝑎𝑙 𝑠𝑒𝑚𝑖𝑛𝑎𝑟 tungkol sa 𝑓𝑖𝑛𝑎𝑛𝑐𝑖𝑎𝑙 𝑎𝑤𝑎𝑟𝑒𝑛𝑒𝑠𝑠 na pinamagatang "𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜𝐬 𝐨𝐟 𝐈𝐧𝐯𝐞𝐬𝐭𝐢𝐧𝐠" ngayong Biyernes, 𝐢𝐤𝐚-𝟑𝟏 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟑, 1 nang hapon (Libya time) | 12 nang hapon (Algeria, Chad, Niger, at Tunisia time) | 7 nang gabi (PH time).
Inaanyayahan ang mga kababayan na dumalo sa nasabing virtual seminar sa pamamagitan ng sumusunod na Zoom link:
https://us02web.zoom.us/j/84674548839...
Sa mga nais dumalo, mangyari'y magpatala na rin sa pamamagitan ng https://tinyurl.com/LIBYAinvest.
Maraming salamat! END
SETRO RIZAL VIRTUAL MASTERCLASS
𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎: Ngayong 2023, muling mag-aalok ang 𝑆𝑒𝑛𝑡𝑟𝑜 𝑅𝑖𝑧𝑎𝑙 (𝑆𝑅) 𝐹𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑎𝑠 sa tulong ng mga Pasuguan at Konsulado ng 𝐒𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥 𝐕𝐢𝐫𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬 para sa mga Pilipino sa ibayong dagat.
Ang 𝐒𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥 𝐕𝐢𝐫𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬 ay isang 𝑓𝑙𝑎𝑔𝑠ℎ𝑖𝑝 𝑝𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚 ng SR na nag-uugnay sa mga tanyag na artistang Pilipino sa kanilang mga kapwa artista sa ibayong dagat sa pamamagitan ng mga sumusunod na paksa:
1. 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐌𝐮𝐬𝐢𝐜 kasama si Dr. Raul M. Sunico, pyanista
- Inaasahang kalahok: Mga mahilig sa musika, mga tumutugtog ng pyano, at mga guro at mag-aaral ng music history.
2. 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐡𝐨𝐫𝐚𝐥 𝐌𝐮𝐬𝐢𝐜 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠 kasama ang Philippine Madrigal Singers
- Inaasahang kalahok: Mga miyembro ng koro, mga guro ng musika, at mga mahilig sa musika na may karanasan sa pag-awit sa isang koro.
3. 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐅𝐨𝐥𝐤 𝐃𝐚𝐧𝐜𝐞 kasama ang Bayanihan National Folk Dance Company
- Inaasahang kalahok: Mga mananayaw ng katutubong sayaw ng Pilipinas at mga guro at mag-aaral ng sayaw.
Inaanyayahan ang mga kwalipikadong Pilipino sa Libya, Tunisia, Algeria, Chad, at Niger na interesado sa 𝐒𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥 𝐕𝐢𝐫𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬 na sagutin ang maigsing 𝑠𝑢𝑟𝑣𝑒𝑦: https://forms.gle/8YQ778VFwFpev1RZ6.
Ang huling araw ng pagsagot sa 𝑠𝑢𝑟𝑣𝑒𝑦 ay sa 𝐢𝐤𝐚-𝟐𝟗 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟑 (𝐌𝐢𝐲𝐞𝐫𝐤𝐮𝐥𝐞𝐬) 𝐬𝐚 𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝟏𝟏:𝟓𝟗 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢.
Nakasalalay sa resulta ng 𝑠𝑢𝑟𝑣𝑒𝑦 na ito kung alin sa tatlong paksa ang maaaring ipatupad ng Pasuguan sa Libya sa loob ng taong ito.
Maraming salamat, kabayan! END
Press Releases
- Friday, 06 June 2025 EID MUBARAK
- Saturday, 12 April 2025 PAALALA SA LAHAT NG REHISTRADONG BOTANTENG PILIPINO SA ALGERIA AT CHAD
- Thursday, 10 April 2025 2025 NATIONAL ELECTIONS OVERSEAS VOTING IN TRIPOLI, LIBYA
- Wednesday, 09 April 2025 50 YEARS OF DIPLOMATIC RELATIONS BETWEEN THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES AND THE PEOPLE'S DEMOCRATIC REPUBLIC OF ALGERIA
- Tuesday, 22 October 2024 PHL EMBASSY'S CONSUL VISITS ALGERIAN EMBASSY
More inPress Releases